Ang suspek na dinakip ng MPD sa kasong robbery-extortion.

ROBBERY-EXTORTIONIST SA BINONDO, ARESTADO; KASABWAT UMANO NA PULIS, HINA-HANTING NA NG MPD

By: Jerry S. Tan

Arestado sa Manila Police District-Station 11 and isang 69-anyos na lalaking sangkot umano sa serye ng robbery-extortion activities sa Binondo na kadalasang biktima ay mga negosyante, habang tinutugis na ng pulisya ang diumano’y tumutulong sa kanya na pulis sa kanyang iligal na gawain.

Ayon sa ulat ni MPD-Station 11 Commander Lt.Col. Inocencio Richard Villanueva, ang suspect ay kinilalang si Eduardo Chua, na nagsabing siya ay isang market researcher at nakatira sa No. 354 Gunao St., corner Arlegui St., Quiapo, Manila.


Siya ay dinakip sa isang entrapment operation na isinagawa dakong 8:15 ng gabi sa loob ng McDonald’s Fastfood Restaurant sa Juan Luna Street sa Plaza Ruiz, Binondo, Maynila.

Ayon kay MPD spokesman Maj. Philipp Ines, ang suspect ay kinasuhan ng paglabag sa Article 293 ng Revided Penal Code (Robbery-Extortion) habang ang kanyang diumano ay kasabwat na isang pulis mula sa CIDG Eastern Metro Manila- District Field Unit, ay nananatiling ‘at large’.

Ang naturang entrapment ay ibinatay umano sa reklamong isinampa ng isang 44-year-anyos na Chinese-Filipino property manager na naka-base sa Binondo, Maynila.


Nakuha mula sa suspect ang P200,000 at isang cellphone nang madakip.

Ang pag-proseso sa kanya ay isinagawa naman nina PMSg Ryan DL Fortich, PSSg Mark Anthony Alata,Duty STOC at PCapt. Florante Raquino, Jr.




Napag-alaman na si Chua ay subject din ng parehong uri ng mga reklamo ng ilang Binondo-based businessmen.

Diumano, gamit niya ang PNB bank account (#165-270-002-250) sa kanyang operations, na nakapangalan sa kanya at sa tulong ng isang pulis na ngayon ay tinutugis na ng MPD.


Samantala ay hinihimok ni Maj. Ines ang iba pang posibleng biktima na magharap din ng reklamo laban sa naarestong suspect.

Tags: Manila Police District-Station 11

You May Also Like