Pansamantalang itinigil muna ang ginagawang road widening ng New NAIA Infrastructure Corporation (NNIC) sa kahabaan ng MIA road patungong NAIA terminal 2.
Ito ay dahil sa nahukay na malaking vintage bomb na delikado umanong magalaw at posibleng sumabog.
Ayon sa mga kinatawan ng explosives ordnance division (EOD), wala pa silang nakuhang masasakyan ng naturang vintage bomb dahil delikado ito kung matagtag.
Dadalhin ang vintage bomb sa tanggapan ng EOD headquarters sa likurang bahagi ng ‘Park’ n Fly’ sa Pasay, para pag-aralan ang wastong ‘disposal’ nito.
Ang vintage bomb na nahukay na gawa sa US ay may habang 54 inches at ito umano ay ginagamit noong panahon ng World War 2.