Latest News

ROAD SIDE BOMB NADISKUBRE BAGO PA PASABUGIN

NAPIGILAN ng mga tauhan ng Joint Task Force Sulu ang tangkang pagpapasabog ng itinanim na roadside bomb sa Daan Putih, Brgy Anuling, Patikul, Sulu kamakalawa .

Ayon kay 35th Infantry Battalion Commander Lt. Col. Domingo S. Robles Jr., nakatanggap sila ng sumbong mula sa mga residente ng nasabing barangay kaugnay sa improvised explosive device (IED) na natagpuan sa tabi ng kalsada.

Dahil ditto mabilis na kumilos ang mga tauhan ng Philippine Army para beripikahin ang ulat.


Ayon kay Robes katuwang ang Metro Jolo Inter-Agency Task Group, K9 Team, at 37EOD Team na pawing nasa ilalim ng Joint Task Force Sulu ay nagsagawa sila ng clearing/paneling operation Daan Putih, Brgy Anuling, Patikul, Sulu.

Nang madiskubre ang bomba ay matagumpay din agad na na-defuse ang IED pasado ala una kamakalwa ng hapon.

Narekober ng mga tropa ang 3 electric blasting caps 6 na metrong speaker wire, 1 metrong detonating cord, isang galon ng ANFO, 12 volts motorcycle battery, 128 piraso ng 4-inch na pako at 37 pirasong ng 2-inch 10mm steel bars.

Ayon naman kay 1102nd Infantry Brigade Commander Col. Giovanni Franza, ang IED ay sadyang nilagay sa tabing-daan para pagsabugan ang mga dumadaang mga sundalo at sibilyan.


Pinuri naman ni Joint Task Force – Sulu at 11th Infantry Division Commander BGen. Ignatius N. Patrimonio ang mga tropa sa mabilis na aksyon, kasabay ng pagtiyak na hindi titigil ang militar sa pagtugis sa mga responsable sa tangkang terrorist attack. (VICTOR BALDEMOR)

Tags:

You May Also Like

Most Read