RIOT SA MANILA CITY JAIL, WALO SUGATAN

By: Baby Cuevas

Walong persons deprived of liberty (PDLs) ang diumano ay sugatan nang sumiklab ang kaguluhan sa loob ng Manila City Jail, kahapon ng hapon sa Maynila.

Ayon kay MCJ Spokesperson Jayrez Joseph Bustanera, nangyari ang kaguluhan pasado alas- 2 ng hapon sa pagitan ng mga miyembro ng “Bahala na Gang” at “Commando Gang”.


Anim sa nasugatan ay miyembro ng Commando Gang habang dalawa naman ay mula sa hanay ng BNG at tatlo sa Commando Gang ang kinailangan na dalhin sa pagamutan.

Ang ibang PDLs ay nagtamo lamang ng mga “minor abrasions ” .

Inaalam ng pamunuan ng Bureau of Jail Management and Phenology (BJMP) kung saan nag-ugat ang kaguluhan at kung ito ay may kinalaman sa nagaganap na “sports activity” sa MCJ.


Samantala, sinabi ni Bustanera na pansamantalang sinuspinde ang dalaw sa MCJ.


Tags: Manila City Jail

You May Also Like

Latest News