RIDING-IN-TANDEM SNATCHER, ARESTADO SA MAYNILA

By: Baby Cuevas

Arestado nitong Miyerkoles ng hatinggabi sa Nakpil Street corner Taft Avenue, Ermita, Maynila, ang isa sa dalawang snatcher na riding-in-tandem matapos ang isinagawang “backtracking” ng mga tauhan ng Manila Police District -Remedios Police Community Precinct sa mga nakakabit na CCTV.

Nasa kustodiya ng MPD- PS 5 ang suspek na si John Francis Olaguer, 24, miyembro ng “Bahala na Gang” at taga – No. 66 Purok 1, Isla Puting Bato, Brgy. 20 Tondo, Maynila f, matapos na maaresto alas-11:45 ng gabi sa Isla Puting Bato, habang pinaghahanap pa ang kasabwat nitong si Nelson Arcibal, residente ng Purok 3 Isla Puting Bato Brgy. 20 Tondo, Maynila.

Ayon sa biktimang si Julie,di tunay na pangalan,nag-aabang umano siya ng shuttle bus alas-6:30 ng umaga nang mapansin ang suspek na si Arcibal na umaaligid sa kanya.



Kaagad siyang tumawag sa kanyang kapatid at dito na sinunggaban ng suspek ang kanyang cellphone na Vivo at nagkakahalaga ng P16,000 at kaagad na tumakbo sa kasabwat nitang si Olaguer na naghihintay sa kanilang get-away na NMax na motorsiklo, at sila ay mabilis na tumakas.

Kaagad namang nagpunta sa Remedios-PCP ang biktima at nagreklamo, kung saan nagsagawa ng backtracking sina Pat Antonio Nol Bordeos Jr., Pat. Francis Arhon Felipe at Pat. Ralp Aldrin Yamat at dito natukoy ang kinaroroonan ng suspek na si Olaguer.

Sa isinagawang operasyon,nabawi ang cellphone ng biktima at kinumpiska ang motorskllo at .38 kalibre na ginagamit sa pangho-holdup ng mga suspek.

Sinampahan ng kasong Robbery Snatching in relation to R.A 10591 Comprehensive Firearm Laws and Ammunition Regulation Act and BP 881 Omnibus Election Code sa Manila Prosecutors Office ang suspek.


Tags: Manila Police District - Remedios Police Community Precinct

You May Also Like

Most Read