Latest News

Riding-in-tandem, arestado sa boga

By: Baby Cuevas

Arestado ang dalawang kalalakihan na kinabibilangan ng isang menor de edad, na riding- in-tandem umano, matapos na mamataan ng mga tauhan ng Manila Police District -Police Station 5 habang may hawak na baril ang isa sa kanila ,ahapon ng umaga sa kanto ng Vasquez at Nakpil Streets.,Brgy. 697,Malate Maynila.

Kinilala ni PCpl Vi Jay Obarra ng Remedios Police Community Precinct ang suspek na si Chris Jefferson Sevilla y Quindara, 24, residente ng #2643 P.Zamora St.,Pasay City at John 17, ng Pasay City.

Ayon kay Obarra, nagpa-patrulya sila ng mga kasamahang pulis alas 6:30 ng umaga nang makita ang dalawang suspek na sakay ng NMAX na walang plaka at may hawak na .45 kalibre si John.


Pinara ang dalawang suspek at nang kapkapan si Sevilla ay may nakuha ring baril dito na. 45 caliber mula sa kanyang bewang.

Kapwa dinala ang mga suspek sa MPD-PS5 at isinailalim sa interogasyon.


Hinala ng pulisya na kabilang sa mga notoryus na holdaper na umiikot sa lugar ang dalawa.

Sinampahan ng kasong paglabag sa RA 10591 (Comprehensive Law on Firearms and Ammunition) in relation to B.P.881 Omnibus Election Code of the Philippines ang dalawang suspek sa Manila Prosecutors Office.


Tags: Manila Police District-Police Station 5

You May Also Like

Most Read