Latest News

Rider, sumemplang, patay

PATAY ang isang 38 anyos motorcycle rider matapos na sumemplang habang minamaheho ang kanyang motorsiklo,kamakalawa ng gabi sa panulukan ng Rizal Avenue at Teodoro Santos Street sa Tondo, Manila.

Kaagad na nasawi ang biktimang si Elmer Payot y Onez, ng 2304 Rizal Avenue Sta Cruz, Maynila dahil sa matundung pinsala tinamo ng kanyang ulo.

Ayon sa Manila Disrtrict Traffic Enforcement Unit (MDTEU), naganap ang insidente,ala- 7 ng gabi sa southbound lane ng nabanggit na lugar.


Sa imbestigasyon ni PCpl Eric Jay Despabiladero, base sa testimonya ng testigong si Angelica Kim Dayag, ,binabagtas umano ng biktima ang lugar nang mawalan ng kontrol ang kanyang minamanehong motorsiklo.

Bumagsak umano sa sementadong kalsada ang biktima na nagresulta sa agaran niyang kamatayan.

Tags: Manila Disrtrict Traffic Enforcement Unit (MDTEU)

You May Also Like

Most Read