Patay ang isang motorcycle rider matapos na magulungan ang ulo ng nasa hulihang gulong ng isang elf truck kahapon ng umaga sa Tondo, Maynila.
Namatay noon din ang biktimang si Manuel M Pepito Jr, nasa hustong gulang, at taga No. 21 Jasmine St., Saog Marilao, Bulacan
Ayon sa imbestigasyon ng Manila Traffic District Enforcement Unit, dakong alas 10 ng umaga nang maganap ang insidente sa southbound lane ng Mel Lopez Boulevard, sa Tondo, sa tapat ng DPWH warehouse.
Binabagtas umano ng biktima ang nasabing kalye sakay ng motorsiklo na may plakang 13030943519 nang madulas at bumagsak sa sementadong kalsada, sakto namang kasunod ang isang ELF truck na kargado ng LPG tanks, may plakang REA 314 na minamaneho ng isang Eric Madrid, na nakasagasa sa biktima.
Iniimbestigahan naman ng MDTEU ang driver ng Elf truck.