Agad na nasawi ang isang di pa nakikilalang rider matapos dumulas at mawalan ng kontrol ang sinasakyan nitong motorsiklo, nang mapadaan sa kurbada ng kalsada sa southbound lane ng papataas na bahagi gg Quezon Blvd Bridge, Quiapo, Maynila,kahapon ng umaga
Ayon kay PSSg Allanion DC Aquino, imbestigador ng Manila District Traffic Enforcement Unit -Vehicle Traffic Investigation Section(MDTEU-VTIS), ang biktima ay nasa edad 25-30,may taas 5’5,nakasuot ng dark blue na jacket at itim na t-shirt , may tattoo na “David” sa dibdib at nakasakay sa isang Yamaha sniper na motorsiklo. Naganap umano ang insidente ala-s 6 ng umaga sa nabanggit na lugar.
Diumano, binabagtas ng biktima ang southward lane at nang marating ang lugar sa pataas na bahaging kurbada ay nawalan ito ng kontrol, dumulas ang motor at saka bumagsak sa sementadong kalsada.
Sugatan umano ang biktima nang isugod ng MMDA ambulance sa Ospital ng Maynila kung saan alas- 7:35 ng umaga nang ideklara itong patay.
Inilagay muna sa morgue ng ospital ang bangkay para sa safekeeping.