NASA kritikal na kondisyon ang isang rider habang nasa maayos na kalagayan na ang kanyang kaangkas matapos na sumemplang ang minamanehong motorsiklo,kahapon ng madaling araw sa isang kurbadang bahagi ng westbound ng Legarda malapit sa panulukan ng Jhocson St.Sampaloc,Maynila.
Ayon sa imbestigasyon ng Manila District Traffic Enforcement Unit (MDTEU ,nasa kritikal na kondisyon ang driver na si John Patrick Roque y Talisic, 21, taga 3533 Buenos Aires St., Sta Mesa, Maynila, at nagmamaneho ng Honda Beat na motorsiklo may plate number 837 TAF, habang nasa ligtas nang kalagayan ang kanyang backride na si Joshua Millan y Largado, 19 , at taga 3553 Ramon Magsaysay Altura Market Brgy 579, Sta Mesa, Maynila.
Naganap umano ang insidente ,ala- 1:45 ng madaling araw sa nabanggit na lugar.
Nabatid na binabagtas ng mga biktima ang westbound lane g Legarda Street sa Sampaloc at pagsapit sa may kurbadang bahagi ng kalsada ay aksidenteng tinamaan ng harapang bahagi ng motorsiklo ang center island at sa lakas ng impact ay bumagsak ang mga biktima.
Si Roque ay isinugod sa Jose Reyes Memorial Medical Center ng rumespondeng Mobile Car 152 ,habang ang backride ay dinala sa Ospital ng Maynila ng rumespondeng ambulansiya ng BFP para mabigyan ng paunang lunas. (Carl Angelo)














