Latest News

RIDER AT BABAENG ANGKAS, PATAY SA SIDEWALK

By: Baby Cuevas

Isang lalaking rider at angkas nitong babae ang nasawi matapos na bumangga sa concrete sidewalk ang sinasakyan nilang motorsiklo Miyerkules ng madaling araw sa eastbound lane ng Recto Avenue corner Matapang Street sa Quiapo, Maynila.

Agad na nasawi noon din ang mga biktimang sina Abdul Hamid Tanggo, driver ng Honda PCX at taga- Camia Masagana Cmpd, San Miguel, Pasig City ; at Ijay May Ayoc. Sila ay kapwa nasa hustong gulan.

Ayon sa imbestigasyon ng Manila District Traffic Enforcement Unit-Vehicle Traffic Investigation Section (MDTEU-VTIS), naganap ang insidente ala-1:30 ng. madaling araw sa nabanggit na lugar.

Binabagtas umano ng mga biktima ang eastbound lane ng Recto Avenue at pagsapit sa Matapang Street ay nabangga ng rider ang concrete sidewalk dahilan para tumilapon silang dalawa. Sa lakas ng impact ay agad silang nasawi.

Tags:

You May Also Like

Most Read