Manila City Hall Task Force chief Capt. Rowell Robles.

RIDER, ARESTADO SA KASONG CARNAPPING

By: Jerry S. Tan

INARESTO ng mga tauhan ng Manila Police District – Manila City Hall Task Force na pinamumunuan ni Capt. Rowell Robles ang isang 23 anyos carnapper,kahapon ng umaga sa loob ng Manila City Hall.

Ayon kay Robles, ang suspek na si Christan Lindo,ng No. 1269 Bambang St., Sta Cruz, Maynila , ay inaresto sa bisa ng arrest warrant na inisyu ni Presiding Judge Mary Jean Cajandab-Ong ng Manila RTC Branch 1 na may petsang Mayo 6,2025, dakong alas-11 ng umaga sa loob ng Manila City Hall.


Walang inirekomendang piyansa ang korte para sa pansamantalang kalayaan ni Lindo na nasa listahan ng ‘Most Wanted Person’ ng pulisya, ani Robles.

Naka-detine ngayon sa tanggapan ng Manila City Hall Task Force ang suspek na itinurn- over sa korte para sa disposisyon ng kaso.


Tags: Capt. Rowell Robles

You May Also Like