NI BETH GELENA
MAY cute conversation ang magdyowang Maris Racal at Rico Blanco.
Sa Instagram ng young actress ay ibunahagi niya ang kanilang convo ng boyfriend.
May.jejemon good morning message ang young singer/actress sa boyfriend.
“Tama ba loves ko? Sa pinaka-mamahal kong prinsipe sa mundo na sobrang matampuhin. Laging pikon na sobrang seloso pero mahal na mahal ako. I love you SAIS my only prince. My everything. Kumain ka na agad.”
Nagulat si Rico at agad na nag-reply sa girlfriend: “What’s this? (laughing emoji)”
Malaki kasi ang agwat ng age ni Rico kay Maris.
Kumbaga, mahigit 20 years.
Pero hindi hadlang ang kanilang edad para hindi sila magkasundo.
Malaki ang nabago sa singer mula ng maging girlfriend nito si Maris.
Ang dating seryosong singer, natuto na ring maging funny.
He can be playful being with her and he hoped for what they have to be “deeper and richer with so much more memories, music, active projects and stories” in the coming years.