Rhen Escano, nag-renew bilang brand ambassadress ng CC6 at FunBingo

By: Beth Gelena

MULING pumirma ng kontrata ang ang talent ng GMA-7 at Viva actress na si Rhen Escaño sa bilang brand ambassadress ng CC6 at FunBingo, na isang online gaming app.

Ayon Rhen, hindi lang naman ang paglalaro ng online games ang purpose ng organisasyon.

Ang perang ipinupuhunan umano ng player ay nakatutulong din sa less unfortunate na mga tao.


“May adbokasiya at pagmamalasakit sa kapwa ang aming gaming online, kumbaga eto ay isang app na may puso,” ani Rhen.

Sa pag-renew ni Rhen ng kanyang kontrata sa anibersaryo ng CC6 ay mas pinabongga pa ang community outreach programs ng CC6 at FunBingo.

Bumibisita ang grupo sa mga barangay at rural areas kasama si Rhen para personal na mag-abot ng tulong kasama na ang pagbibigay ng kaunting kasiyahan sa mga tao.

Kamakailan lang, nagdiwang ng kanilang 5th anniversary ang CC6 habang 7th anniversary naman ang FunBingo.


Hindi lang basta selebrasyon ang magaganap dahil may inilaan na malalaking mga pa-premyong ipamimigay ang CC6 at FunBingo, hindi lang para sa players kundi maging sa malawak pang charity efforts.

“Nakakataba ng puso na maging parte ng isang organisasyong hindi lang basta entertainment ang layunin, kundi ang makatulong sa mas maraming tao. Hangga’t kaya natin, ipagpapatuloy natin ang misyon ng pagbibigay ng saya at pag-asa sa ating mga kababayan,” say ni Rhen.

Sa pangunguna ni Ms. Dhevy Sahagun, ng B’Vibes Entertainment Production, at JAF Digital Group, mas marami pang mabibiyayaan at matutulungan ang organisasyon.

Kaya mag-download lang ng CC6 & Funbingo at maglaro, asahan na ang perang inilaan dito ay makakatulong sa mga taong nangangailangan.


Kung napasaya kayo ng CC6, nakapagpasaya rin kayo ng mahihirap nating mga kababayan.

Tags: Rhen Escano

You May Also Like

Most Read