RHEN ESCANO, AMBASSADOR NG CC6 ONLINE CASINO

By: Beth Gelena

Kamakailan lamang ay pormal na pinakilala ng CC6 Online Casino ang kanilang kauna-unahang ambassador na si Rhen Escaño ng Viva Artist.

Swak nga raw ang mga proyekto nito para sa kanilang bagong ambassador.


Hindi lamang kasi basta-basta online casino games ang CC6 dahil layunin din nitong magbigay-tulong sa komunidad lalo na sa mga nangangailangan ng mga tulong.

Kamakailan lamang ay nagdaos ng ikatlong taong anibersaryo ang CC6 at sa pamamagitan ng kanilang proyektong Helping the Community, bukas-palad silang namahagi ng tulong sa ating mga kababayan tulad na lamang ng mga naapektuhan ng matinding ulan at malawakang pagbaha sa Davao Del Norte.

Maraming mamamayan doon ang nawalan ng kabuhayan kaya agarang rumesponde ang grupo ng CC6 at JAF Digital para magbigay ng tulong doon, sa pangunguna ng Marketing and PR partner ng CC6 Online Casino na si Jev A. Frago.


Mula sa Maynila ay nagtungo ang grupo sa Davao Del Norte para damayan ang mga kababayan natin sa anim na barangay at tatlong sitio sa lalawigan ng Asuncion, kung saan mahigit dalawang libong pamilya ang nabigyan ng relief goods.

Kaya naman sobra ang pasasalamat sa CC6 ni Mayor Eufracio Dayaday Jr..


Nanawagan din si Mayor Dayaday sa mga gustong tumulong o magbahagi ng relief goods na magtungo lamang sa kanilang tanggapan sa Asuncion, Davao Del Norte.

Tulad ng CC6 Online Casino sa pamamagitan ng Helping The Community, bukas-palad itong tutulong sa ating mga kababayan.


At dahil sa CC6 RainRhen, tiyak na uulan ng swerte at tulong.

Tags: Rhen Escano

You May Also Like