Latest News

RETIRED AFP AT PNP, DEDMA SA PANAWAGAN NA HUWAG KALADKARIN ANG KANILANG ORGANISASYON SA PULITIKA

NILABAG ng mga retiradong military at police officers ang panawagan ng mga aktibong opisyal ng PNP at AFP na sana ay huwag silang magamit para makaladkad ang organisasyon na kanilang dating kinabibilangan.

Napag-alamang hindi sinunod ng ilang retired officers ang panawagan na sana ay huwag silang magamit ng ilang pulitiko o political party sa pagsusulong ng kanilang mga political ambitions na umaangkla sa kanilang pagiging mga dating senior officers ng PNP at AFP .

Pinuna ng ilang mga dating kasamahan ang umanoy lantarang pagsuporta ngmga retiradong opisyal nang pumayag umano sila o hindi tinutulan nagamitin ang kanilang mga pangalan upang ipakita ang kanilang suporta sa ilang pulitiko.


Subalit nilinaw din ng pamunuan ng PNP at AFP na hindi na saklaw ng kanilang mga direktiba ang pagiging apolitical o non-partisan ng organisasyon ang mga retirado nang opisyal.

Una nang nanawagan ang pamunuan ng Philippine National Police (PNP) sa ilang retirado nilang opisyal na huwag idamay ang organisasyon sa kanilang political agenda.

Ang panawagan ay ginawa ni PNP spokesperson Pol. B/Gen. Roderick Augustus Alba, matapos na makarating sa kanilang kaalaman na may ilang dating police official at organisasyon na nag-eendorso ng mga kandidato sa halalan na gamit ang pangalan ng PNP.

“With all due courtesies to our retired PNP Officers, we respect your political views and opinions as private individuals. But by all means, please spare the PNP from partisan political activity,” wika ni B/Gen. Alba.


Binigyang-diin ni Alba, nirerespeto ang mga pananaw ng kanilang mga retiradong opisyal pero walang kinalaman ang PNP sa personal na opinyon sa politika ng mga tao o grupong ito na ipino-post sa social media.

Giit ni Alba, hindi gawain ng PNP na magpahayag ng suporta para sa sinumang kandidato at nananatiling non-partisan na organisasyon.

“The PNP maintains a non-partisan stance and will never endorse any political paty or candidate vying for any elective position,” dagdag pa ni Alba.

Babala ni Alba, hindi lang ang mga tao na gumagamit sa pangalan ng PNP sa pamumulitika ang hahabulin ng PNP kundi maging ang mga grupong politikal na nagbayad sa kanila para sa pag-endorso.


Ganito rin ang pahayag ng military na nagsabing, mananatiling non-partisan ang 145,000-strong AFP, kasabay ng pagtiyak na babantayan nila ang kasagraduhan ng balota.

Ayon kay Col ramon Zagala, tagapagsalita ng hukbong sandatahan ng Pilipinas , “The Armed Forces of the Philippines would like to appeal to various groups and individuals alike to refrain from alluding the military organization to any political agenda. “

“The AFP leadership is firm in reminding its members to not engage in any partisan political activities prior, during, and after the election period,” dagdag pa nito. (VICTOR BALDEMOR)

Tags:

You May Also Like

Most Read