Malubhang nasugatan ang isang retiradong pulis matapos na pagsasaksakin ng isang lalaki na nagselos umano nang makitang kainuman ng biktima ang kanyang kinakasama, niton Miyerkules ng madaling araw sa Tondo, Maynila.
Nilapatan ng gamot sa Gat Andres Bonifacio Memorial Medical Center (GABMMC) ang biktimang si Nestor Urbano ,64, at residente ng 275 Masikap St.Tondo,Maynila, hbang naaresto naman ang suspek na si John Mark Avelino alyas Kabu, 23, helper, ng No. 1290 Sto Niño At. Tondo. Nakita umano ng mga nagro-rondang pulis na duguan ang kamay nito at tumatakbo kaya siya dinakip.
Sa imbestigasyon ng Manila Police District -Police Station 2, naganap umano ang insidente alas- 3:30 ng madaling araw .
Nakita umano sa CCTV na naglalakad ang suspek sa Masikap Street nang, ilang minuto pa ang nakalipas, ay nakita na itong tumatakbo.
Pumunta umano ito sa bahay ng biktima kung saan may mga bisita ito at nag-iinuman, kabilang ang sinasabing kinakasama ng suspek .
Pagkabukas ng pintuan ay kaagad umanong inundayan ng sunod-sunod na saksak ang biktima bago tumakas ang suspek.