Resulta ng 2023 Bar exams,ilalabas ng SC sa Disyembre 5

By: Jaymel Manuel

Inianunsiyo ng Supreme Court (SC) na ilalabas nito ang resulta ng 2023 Bar exams sa Disyembre 5, 2023 ng hapon.

Nabatid na ang listahan ng mga nakapasa ay idi-display sa LED walls sa courtyard ng SC sa Main Building sa Ermita, Maynila.


Ayon sa SC Public Information Office, bubuksan ang gate alas -12 ng tanghali.

Kalimitan, ang resulta ng bar exams ay inilalabas matapos na aprubahan ng SC .

Sa darating na Disyembre 22 naman ang oath -taking ng mga nakapasa sa bar examination.


Una nang isinagawa ang bar exams noong Setyembre kung saan may 10,387 examinees mula sa orihinal na 10,791 applicants ang nakatapos ng tatlong araw na exams. Ito ay katumbas ng 96.26% turn-out.


Tags: Supreme Court (SC)

You May Also Like