“We respect your rights to express your concerns and demands. However, every right has a corresponding responsibility.”
Ito ang ipinanawagan ni PBGEN Thomas Ibay matapos na makapag-piyansa at makalaya ang anim na ralyista na inaresto ng Manila Police District (MPD) noong Labor Day.
Ani Ibay, ang pag-aresto ay nang magtangka na makalapit sa United States Embassy sa may Roxas Boulevard sa Maynila ang mga ralyista.
Diumano, inatake ng mga ralyista ang mga nagbabantay na pulis sa US Embassy dahilan para masugatan ang apat na pulis.
Ang mga ito ay sinampahan sa tanggapan ni Asst. City Prosecutor Jassyr J. Garcia ng kasong paglabag sa BP 880 kilala bilang “The Public Assembly Act of 1985”, at Art. 148, 151, at Art. 327 ng Revised Penal Code.
Dakong alas- 6 ng gabi nang alisin umano sa kustodiya ng pulisya at ibigay sa pangangalaga ng kanilang abogado ang mga ralyista.
Ito ay matapos na sila ay makapag-piyansa.