Inihayag ng Supreme Court (SC) na mamadaliin nito ang pagpapalabas ng resolusyon kaugnay sa ipinalabas na temporary restraining order (TRO) na nagpahinto aa implementasyon ng no-contract apprehension policy (NCAP) sa traffic violations sa ilang siyudad sa Metro Manila.
Sa halip na isulong ang oral arguments na itinakda sa Enero 24,2023 sa dalawang kaso may kaugnayan sa NCAP ,ipinasiya ng SC na gawin ang legal debates sa Disyembre 6 ,2022.
Itinakda rin ang preliminary conference sa dalawang kaso sa Nobyembre 4,2022.
Sa resolusyon na inisyu sa full court session nitong nakalipas na Setyembre 27,inatasan ng SC na mabigyan ng kopya ng petisyon at maghain ng komento sa loob ng 10 araw ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA).
Nabatid na noong nakalipas na Agosto 30 ,ay pansamantalang pinatigil ng SC ang implementasyonnng NCAP,kasunod ng petisyon inihain ng Kilusan sa Pagbabago ng Industriya ng Transportasyon, Inc. (KAPIT), Pangkalahatang Saggunian Manila and Suburbs Drivers Association Nationwide (Pasang-Masda), Alliance of Transport Operators and Drivers Association of the Philippines (ALTODAP), at Alliance of Concerned Transport Organization (ACTO).
Ang ikalawang petisyon naman ay inihain ni Atty. Juman B. Paa na humiling na mag-isyu ang SC ng TRO laban sa NCAP ng Lungsod ng Maynila.
Nakasaad sa resolusyon, “Any apprehensions through the NCAP programs and ordinances related thereto shall be prohibited until further orders from the Court.” (Jaymel Manuel)














