Ilalabas umano ang resolusyon sa kasong may kinalaman sa iligal na droga na kinakaharap ni dating Senador Leila de Lima.
Ito ang inihayag ni Supreme Court (SC) Administrator Raul Villanueva sa pahdalo nito sa House Appropriations Committee nitong Huwebes.
“Before the end of the year, these cases may be submitted for decision,” ayon kay Villanueva kaugnay sa 2 nalalabi nitong kaso.
“[They are] being heard continuously by the assigned judges — 2 RTC (Regional Trial Court) judges in RTC Muntinlupa. So long as the parties will be able to present their evidence, in due time, this will already be submitted for decision,” dagdag pa ni Villanueva.matapos sagutin ang katanungan ni Deputy Minority Leader at ACT Teachers Rep. France Castro.
Nabatid na si De Lima ay nakadetine noon panh 2017 sa PNP Custodial Center matapos na akusahan na tumanggap ng deug money mula sa mga drug convict na nasa New Bilibid Prison(NBP) noong siya pa ang kalihim ng Department of Justice(DOJ).
Nanindugan naman si.De Lima na ang isinampang kaso laban sa kanya ay isang political persecution dahil s kanyang oposisyon kay dating Pangulong Rodrigo Duterte laban sa giyera nito sa iligal na droga at kritisismo sa umano’y paglabag sa karapatan pang-tao.
Ang isang kaso laban kay De Lima ay ibinasura noong Pebrero 2021. (Jaymel Manuel)