Latest News

Resignasyon ng 18 senior police officers tinanggap ni PBBM

Ni MARK ALFONSO

TINANGGAP na ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr., ang resignasyon ng 18 opisyal ng Philippine National Police (PNP) na umano’y sangkot sa illegal drug activities base sa rekomendasyon ng National Police Commission Ad Hoc Advisory Group na nag-imbestiga sa integridad ng mga Third Level Officers.

Una nang inanunsyo ng Pangulo sa kanyang State of the Nation Address sa Batasang Pambansa na tatanggapin niya ang resignasyon ng mga sangkot sa kapulisan sa iligal na droga.


Base sa isang liham, ipinaalam ni PNP Chief Benjamin Acorda Jr., na nagsagawa ng masusing imbestigasyon ang Ad Hoc Advisory Group sa umano’y pagkakasangkot ng 953 Third Level Officers hinggil sa aktibidad ng ilegal na droga.

Matatandaang nagsumite ng kanilang courtesy resignation ang 953 opisyal kung saan 935 naman ang hindi tinanggap ang resignasyon.


Kabilang sa 18 opisyal sina PBGEN Remus Balingasa Medina, PBGEN Randy Quines Peralta, PBGEN Pablo Gacayan Labra II, PCOL Rogarth Bulalacao Campo, PCOL Rommel Javier Ochave, PCOL Rommel Allaga Velasco, PCOL Robin King Sarmiento, PCOL Fernando Reyes Ortega, PCOL Rex Ordoño Derilo, PCOL Julian Tesorero Olonan, PCOL Rolando Tapon Portera, PCOL Lawrence Bonifacio Cajipe, PCOL Dario Milagrosa Menor, PCOL Joel Kagayed Tampis, PCOL Michael Arcillas David, PCOL Igmedio Belonio Bernaldez, PCOL Rodolfo Calope Albotra Jr., at PCOL Marvin Barba Sanchez.

Nabatid na patuloy na binabantayan ang 18 opisyal at tiniyak na may relief orders ang mga ito at ililipat sa Personnel Holding and Accounting Unit, DPRM (Directorate for Personnel and Records Management).


“In their stead, we will install individuals with unquestionable integrity, who will be effective and trustworthy in handling the task of eliminating this dreaded and corrosive social curse. We cannot tolerate corruption or incompetence in government,” banggit ni Pangulong Marcos.

Tags: Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.

You May Also Like

Most Read