Natupok ang isang dalawang-palapag na residential house matapos na sumiklab ang isang sunog kahapon ng umaga sa No. 17-C Tandang Sora St., Brgy 105 Tondo ,Maynila.
Ayon sa Manila Bureau of Fire Protection,nagsimula ang sunog alas-8:58 ng umaga sa bahay ng isang Rodolfo Duque sa nabanggit na lugar.
Umabot sa ika-limang alarma ang sunog at idineklarang fireout alas-9:34 ng umaga.
Wala namang iniulat na nasawi o nasaktan sa nabanggit na sunog.
Patuloy naman iniimbistigahan ng Arson ang sanhi ng sunog at halaga ng napinsalang ari-arian.














