ISANG sunog ang sumiklab sa isang residential area sa Sampaloc, Maynila kahapon ng umaga.
Ayon sa ulat ng Manila Bureau of Fire Protection (BFP), nagsimula ang sunog alas -11:55 ng umaga sa ikalawang palapag ng bahay ni Vergilio Nicolas sa 856 Cebu St. Sampaloc, Maynila.
Idineklara namang ‘fire under control’ ng BFP ang sunog alas- 12:17 ng tanghali.
Walang naiulat na nasaktan o nasawi sa sunog at patuloy pa itong iniimbestigahan ng arson division upang matukoy ang halaga ng napinsalang ari-arian at sanhi nito.














