Residential area sa Maynila, nasunog

By: Baby Cuevas

Nasa may 50 kabahayan ang natupok sa naganap na sunog kahapon ng umaga sa kanto ng Arellano at G. Tuazon Streets sa Barangay 739 , San Andres, Malate Maynila.

Ayon sa ulat ng Manila Bureau of Fire Protection (BFP), nagsimula ang sunog alas- 5:36 ng umaga na umabot ng hanggang ikatlong alarma at idineklarang fire-out alas- 7:54 ng umaga.


Mabilis na kumalat ang sunog dahil karamihan ng bahay ay yari sa light materials.

Wala namang iniulat ang BFP na nasawi o nasaktan sa naganap na sunog.

Inaalam pa ng arson division ang sanhi ng sunog at ang halaga ng. mga napinsalang ari-arian.


Tags: Manila Bureau of Fire Protection.(BFP)

You May Also Like