Wala nang buhay nang matagpuan ang isang resident doctor ng Bagong Ospital ng Maynila (BOSMA) sa isang office chair, kamakalawa ng gabi sa laboratory ng nabanggit na pagamutan na matatagpuan sa Quirino Avenue corner Roxas Boulevard, Malate, Maynila.
Kinilala ni PSMS Jayson Ibasco, imbestigador ng Manila Police District -homicide section, ang biktimang si Axl Caesar Ofrecio, 29, resident doctor sa Internal Medicine ng BOSMA at taga- 4006 Green Residences, Taft Avenue,Maynila.
Ayon sa imbestigasyon, alas- 8:30ng gabi nang matagpuan sa control lab room sa 2nd floor ng BOSMA ang biktima na wala nang buhay habang nakaupo sa office chair.
Sinabi ni Joshua Arellano, 25,1st year internal medicine resident, na kaagad niyang binigyan ng CPR ang biktima sa pagbaba-sakali na ma-revive pa ang biktima pero wala na ring nangyari, kaya kaagad na dinala ang biktima sa operating room pero tuluyang binawian ng buhay alas-10:08 ng gabi.
Wala namang nakitang anumang sugat sa katawan ng biktima na. palatandaan kung may naganap na ‘foulplay’
Tumanggi naman ang mga magulang ng biktima na paimbestigahan pa ang insidente sa paniniwala na walang naganap na ‘foulplay’ sa pagkamatay ng biktima.