Isang research consultant ang natagpuang nakahandusay sa sahig at wala nang buhay kamakalawa ng umaga sa kanyang bahay sa may Sta. mesa, Maynila.
Kinilala ni PSSg John Teody Siguen, imbestigador ng Manila Police District -homicide section, ang biktimang si Alexander Damaso Jr., 62, ng Unit 2 D no. 464 Hippodromo St., Sta. Mesa, Maynila.
Sa imbestigasyon , alas-8:30 ng umaga nang madiskubre ng, nakababatang kapatid ng biktima na patay na ang kapatid nito, nang buksan niya ang bintana sa kuwarto ng biktima.
Napag-alaman na paulit-ulit umanong kumakatok ang kapatid niyang si Rudy Neil pero hindi sumasagot ang biktima kaya minabuti ni Neil na buksan ang bintana sa kuwarto at dito nakita ang biktima na nakahandusay sa ibaba ng kanyang kama at wala nang buhay.
Nabatid kay Neil na maraming iniindang sakit ang kapatid gaya ng asthma, emphysema , diabetes at hypertension.
Huli umanong nakitang buhay ang biktima noong Setyembre 4 matapos kumain ng hapunan.