Latest News

‘REPORTED DEATHS’ KAY TS AGHON, ANIM NA

By: Victor Baldemor Ruiz

BAGO tuluyang nilisan ni Tropical Storm Aghon ang area of responsibilities ng Pilipinas ay umakyat naman sa anim ang bilang ng inulat na nasawi sanhi ng halos dalawang araw na pananalasa nito sa Bisaya, Mindanao at Southern Luzon, ayon sa National Disaster Risk Reduction Management Council (NDRRMC) .

Ayon sa Office of Civil Defense, ang operating arm ng NDRRMC, umakyat na sa anim ang iniulat na namatay bunsod ng pananalasa ng Bagyong Aghon.

“Sa ngayon, isang confirmed na nasawi, ang 14 year old na bata sa Misamis Oriental -reported by our regional office in northern Mindanao pero mayroon 5 bina-validate ngayon pls bear with us kasi is kailangan masiguro na ang kanilang pagkamatay ay attributable sa bagyo ,” ani OCD Spokesperson Edgar Posadas.


Ayon kay Director Edgar Posadas, anim na ang napaulat na nasawi kung saan isa pa lamang ang kumpirmado habang ang lima iba pa ay kasalukuyan nang bineberipika.

Aniya, ang isa sa kumpirmadong patay ay isang 14-anyos na dalagita mula sa Misamis Oriental. Ito ay nagtamo ng multiple physical injuries matapos mabagsakan ng nabuwal na puno.

Samantala, mayroong walong katao na napaulat na nasugatan mula sa Bicol at Northern Mindanao base sa panibagong datos mula sa National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC).

“Mayroon na lang tayong 161 na evacuation centers in place, ito ay sa limang rehiyon -NCR, CALABARZON, MIMAROPA Region V, VII,VIII. So from 396, mayroon na lang tayong 161, catering to 4,076 na pamilya o 16,426 na mga indibidwal,” ani Posadas.


Sa pinakahuling datos naman ng NDRRMC na ibinahagi ni OCED Administrator usec Ariel Nepomuceno, umabot na sa 12, 436 na pamilya o katumbas ng 36, 143 mga indibidwal ang naapektuhan ng bagyo.

Pumapalo naman sa 36,143 katao ang apektado ng bagyo na karamihan ay sa dakong Calabarzon na nasa 19,180 indibidwal at sa Bicol nasa 10,349.

Inilikas naman sa evacuation centers ang nasa 16,426 katao o katumbas ng 4.076 pamilya na karamihan ay sa Calabarzon din habang mayroon ding 5,614 katao o 1,245 pamilya ang pansamantalang nanunuluyan sa ibang lugar.

Nakapagtala din ng 22 kabahayan na napinsala sa Eastern Visayas at nasa 61 siyudad at bayan naman ang naibalik na ang suplay ng kuryente matapos makaranas ng power outage.


Samantala, aabot naman sa 1.7 million customers ng Meralco ang pansamantalang nawalan ng kuryente dahil sa pananalasa ng bagyo ngunit ayon sa Meralco, sa ngayon ay nasa 17,000 na lang ang wala pa ring kuryente.

Nadagdagan pa ang bilang ng mga napaulat na nasawi dahil sa pananalasa ng bagyong Aghon sa bansa.

Tags: National Disaster Risk Reduction Management Council (NDRRMC)

You May Also Like

Most Read