Report ng PGH sa ‘walking’ pneumonia, hinihintay ng DOH

By: Jaymel Manuel

Hinihintay pa ng Department of Health (DOH) ang report ng on Philippine General Hospital (PGH) kung ang pagtaas ng.kaso ng pneumonia ay dahil sa mycoplasma pneumoniae.

“Hinihintay natin ang report nila kasi hindi po routine ang pagpapa-test sa mycoplasma pneumoniae,” ayon kay DOH Undersecretary Enrique Tayag.

Tinawag umanong.”walking pneumonia” ang mycoplasma pneumonia dahil hindi akala ng tinamaan nito na mayroon pala siyang pneumonia kasi kaya niyang pumasok ng trabaho at malalaman lamang iyon sa pamamagitan ng x- ray .


Sinabi ni Tayag na nagkaroon ng hindi pangkaraniwang pagtaas ng kaso ng pneumonia sa China at Netherlands dahil sa mycoplasma pneumonia.

Hindi naman masabi ni Tayag na maaring magresulta ng pandemic ang surge ng mycoplasma pneumonia.


Una nang iniulat ng PGH na nagkaroon ng pagtaas sa kaso ng pneumonia.

Ayon kay Tayag, sintomas ng pneumonia ay hirap sa paghinga, pagsakit ng dibdib at lagnat.


Tags: Department of Health (DOH)

You May Also Like

Most Read