Latest News

Reporma ng Saligang batas, isusulong ni Robin

HINDI pa man opisyal na nakakapanungkulan si Senator-Elect Robin Padilla, tiniyak na nito sa kanyang mga magiging kasama sa Senado na isususulong niya ang reporma sa Saligang Batas.

Sa kanyang 2- minutong talumpati,pinasalamatan ni Padilla ang lahat ng mga nagtiwala sa kanya at ang kanyang panalo ay simbolo umano nang pagkakaisa ng muslim at Kristiyano.

Pinasalamatan din niya si Senator Bong Go na siya umanong nagdala sa kanya sa Senado,Pangulong Rodrigo Duterte at ang kanyang misis na si Mariel.


“Ako po ay kumakatok sa puso ng mga kapatid na nakaupo na bigyan ng pagkakataon ang aking plataprma na reporma ng Saligang batas,”ayon kay Padilla.

Winakasan naman ni Padilla ,ang kanhang talumpati sa katagang “Its late in the evening.It’s wonderful tonight” na umani naman ng maaigabong palakpakan.


Kapwa naman nagpasalamat sa Comelec ang mga naiproklaman Senador na sina Loren Legarda,Raffy Tulfo,Sherwin Gatchalian, Francis “Chiz”Escudero,Mark Villar,Allan Peter Cayetano,Miguel Zubiri, Joel Villanueva ,JV Ejercito ,Risa Hontiveros at Jinggoy Estrada.

Pinurin rin ng mga naiproklamang Senador ang Commission on Election(Comelec) sa pamumuno ni Comelec Chairman Saidamen Pangarungan dahil sa mabilis at malinis na halalan. (Anthony Quindoy)


Tags: Senator-Elect Robin Padilla

You May Also Like

Most Read