Replacement sa mai-expire na COVID19 vaccines ng COVAX, nakabitin pa

NAKABITIN pa ang isinasagawang pag-uusap ng pamahalaan at COVAX facility para sa replacemwnt ng may 3.6 milyon doses ng COVID 19 vaccines na malapit ng ma-expired.

Ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire may kinakailangan pang dokumento para mapag-aralan ang kahilingan para sa replacement ng mga vaccines.

“Meron silang binigay na Demand Forecast Tool na amin pong sinasagawa ngayon at isa-submit as soon as possible this week, so we can get already their official commitment to replace these expiring vaccines,” ayon kah Vergeire.


Una nang sinabi ni Health Secretary Francisco Duque III, ang mai-expired na bakuna ay katumbas ng 1.6 % ng vaccine supply ng bansa.

Kaugnay nito,nalaman na nagpulong nitong Mayo 3 ang Myanmar Red Cross Society para sa donasyon ng 5 milyon doses ng Sputnik V Covid-19 vaccines .


Ayon kay Vergeitr,kailangan umanong mabigyan muna ito ng clearance ng Commission on Audit at ng Department of Budget and Management (DBM) bago mai-donate ng DOH.

Nalaman na may 244,768,560 vaccine doses ang natanggap na ng bansa base sa data mula sa National Task Force Against Covid-19.


Target.ng gobyerno na mabigyan ang may 90 milyon filipino ng bakuna bago bumaba sa poder si Pangulong Rodrigo Duterte. (Jaymel Manuel)

Tags: Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire

You May Also Like

Most Read