REP. BARZAGA SUMUKO BAGO MASILBIHAN NG ARREST WARANT SA KASONG CYBERLIBEL NA ISINAMPA NI RAZON AT IBA PA

By: Itchie G. Cabayan

Sumuko si Cavite 4th District Rep. Francisco “Kiko” Barzaga bago pa man maisilbi ang arrest warrant na ipinalabas laban sa kanya kaugnay ng kanyang mga kasong cyberlibel.


Si Barzaga ay kusang nagtungo sa Dasmariñas Component City Police Station nitong Lunes, April 13, ganap na 6:59 p.m.

Bago niyan, ang Makati City Regional Trial Court Branch 147 ay nag-isyu ng arrest warrant laban kay Barzaga kaugnay ng walong counts ng cyberlibel na kinakaharap nito.

Itinakda ng korte ang piyansang P48,000 kada count o kabuuang P384,000 para sa walong counts ng cyberlibel. Siya ay nananatili sa kustodiya ng Dasmarinas City police habang isinusulat ang balitang ito.


Napag-alaman na ang pagsuko ni Barzaga ay nangyari sa parehong araw ng paglabas ng kanyang arrest warrant mula sa Makati RTC, para sa mga kasong paglabag sa Section 4(c) of Republic Act No. 10175 o the Cybercrime Prevention Act o cyberlibel.

Ang mga reklamo ay isinampa ng business tycoon na si Enrique Razon at Antipolo Rep. Ronaldo Puno at ito ay nag-ugat sa pahayag ni Barzaga na ilang miyembro ng National Unity Party ang nakatanggap ng pera mula kay Razon upang suportahan si House Speaker Martin Romualdez.


Tags: Cavite 4th District Rep. Francisco "Kiko" Barzaga

You May Also Like