Latest News

RENEWABLE ENERGEY AND OFF-GRID REGIONS FOR TOURISM, KASADO NA — DOE

By: Tony Gildo

Ikinakasa na ng Department of Energy (DOE) at Department of Tourism (DOT) para sa pagpapatupad ng Renewable Energy and Energy Efficiency in Small and Off-Grid Regions for Tourism (REESORT) Program.


Kinumpirma ito ng DOE, kasunod ng courtesy visit ni (DOT) Assistant Secretary Judilyn Quiachon para sa naturang proyekto.

Tinalakay din sa pagpupulong ng dalawang ahensiya ang pagpapalitan ng mga pananaw at mga pagsisikap sa paglulunsad ng REESORT Program.

Kamakailan lang ay lumagda ang DOE sa isang Memorandum of Agreement para sa kooperasyon sa pagtataguyod ng pag-adapt ng renewable energy technologies at energy efficiency measures sa mga tourism establishment, partikular ang mga nasa maliliit at off-grid areas.


Habang umuusad ang pagpaplano ng pagpapatupad, muling pinagtibay ng DOE at DOT ang kanilang ibinahaging pangako sa pagsusulong ng sustainable energy practices na sumusuporta sa resilient, efficient at responsible tourism’s industry.


Tags: Department of Energy (DOE)

You May Also Like