Latest News

Remulla: Timor -Leste, target ng POGO operation

By: Philip Reyes

Ibinunyag ni Justice Secretary Jesus Crispin Remulla sa kanyang pakikipagkita kay Timor-Leste President José Ramos-Horta at iba pang mataas na opisyal na ang susunod na target ng Philippine Offshore Gaming Operators Operation (POGO) ay ang Timor-Leste.

Ginawa ng Philippine delegation ang pagbubulgar sa isinagawang state visit sa naturang bansa.

Ipinaalam rin ng mga delegado ng Pilipinas sa gobyerno ng Timor-Leste na nagpatupad na ng total ban si Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa POGO sa Pilipinas.


Idinetalye rin ni Remulla ang naging karanasan ng gobyerno ng Pilipinas sa POGO,kabilang na ang isyu may kinalaman sa krimen,pananakop sa teritoryo at posibleng banta sa public safety.

“It was relayed that there are reports indicating Timor-Leste as one of the possible destinations where POGO operations could transfer,” ayon sa DOJ.

Ibinahagi din ng DOJ ang isinasagawang imbestigasyon sa pinatalsik na Bamban,Tarlac Mayor Alice Guo na iniuugnay sa POGO.


Tags: Justice Secretary Jesus Crispin Remulla

You May Also Like

Most Read