Pinapurihan ni Justice Secretary Jesus Crispin Remulla ang mga government prosecutors na humawak sa kaso ng apat na akusado sa P6.4 bilyon shabu na nasamsam sa isang bodega sa Valenzuela City may pitong taon na ang nakalipas .
Sa 89- pahinang consolidated court decision, napatunayan ng Manila Regional Trial Court (RTC) na si Customs Broker Mark Taguba at mga kasama nitong akusado na sina Eirene Tatad, consignee ng shipment; warehouseman Fidel Dee at negosyante na si Dong Yi Shen ay ‘guilty beyond reasonable doubt’ sa misdeclaration at smuggling, transportation at facilitation ng Smuggled Goods at paglabag sa Customs Modernization and Tariff Act.
Sa naging presentation ng mga ebidensiya ng mga DOJ prosecutor ay nakumbinsi nito ang korte na may nagawang krimen ang mga akusado .
Ang apat na akusado ay pinatawan ng reclusion perpetua o 20 hanggang 40 years pagkabilanggo at pinagmulta ng ti- P50 milyon.
Matatandaan na noong Mayo 26 2017 ay sinalakay ng mga awtoridad ang isang bodega sa Valenzuela City matapos ang impormasyon na ibinigay ng Chinese authorities kung saan natagpuan ang limang crates may laman na metal cylinder na naka-deklara bilang kitchen wares.
Nang tingnan ang laman ay nadiskubre ang shabu na nagkakahalaga ng P6.4 bilyon.
Sinabi ni Senior Assistant State Prosecutor Charlie Guhit na dapat ay magsilbi itong babala sa mga taong sangkot sa iligal na impormasyon na may batas silang kakaharapin sa iligal na gawain.