Naniniwala si Justice Secretary Jesus Crispin Remulla na tuluyan nang maabsuwelto si dating Senador Leila de Lima sa kanyang nalalabing drug case dahil pinayagan na siyang makapag-piyansa .
“Chances are she will be acquitted because that is a very strong statement when you say that the prosecution was unable to fulfill that burden of proof that is necessary for them to keep her in detention,” ani Remulla.
Una nang pinayagan ng Muntinlupa Regional Trial Court Branch 206 noong Lunes si De Lima para makapag-piyansa sa nalalabi niyang drug case.
Ang pansamantalang kalayaan ni De Lima ay ibinigay matapos ang halos pitong taon nitong pagkakabilanggo.
Sinabi ni Judge Gener Gito na nabigo ang prosecution na mapatunayang ‘guilty’ si De Lima dahil sa kakulangan ng sapat na ebidensiya.#
Ayon kay Remulla,ang drug case ay isang non bailable na kaso peeo dahil sa pinayagan na makapag piyansa ang akusado ang momentum ay pabor sa depensa.
Iginiit pa ni Remulla , nagpapakita lamang na sa kaso ni De Lima ay may ” independence ” ang hudikatura.
“We cannot really interfere with the way that the prosecution runs this. If we try to micromanage everything that the prosecution did throughout the country then we’ll be left with nothing to manage, it will be too much for us,” paliwanag pa ni Remulla.
Ipauubaya na lamang umano ni Remulla ,ang desisyon sa panel of prosecutors humahawak ng kaso kung gusto pa nilang kuwestiyonin ang pagbibigay ng piyansa kay De Lima.