Latest News

Remulla, maayos ang lagay; naka-work from home

By: Anthony Quindoy

Tiniyak kahapon ni Department of Justice (DOJ) Secretary Jesus Crispin Remulla na nasa maayos siyang kalagayan at kasalukuyan lamang na naka-work from home.

Nabatid na si Remulla ay may isang buwan nang hindi nakakapasok ang kalihim sa kanyang tanggapan ngunit regular naman aniya siyang nakikipag-ugnayan sa kanyang mga undersecretaries, assistant secretaries at mga direktor.

Paniniguro pa niya, sa isang pulong balitaan, “I’m okay, I’m actually okay, alam niyo naman nagka-bypass ako dati, I just had complications that I am going through up to now with my immune system, but I’m okay.”


Pagtiyak pa niya, “I am on the way to complete recovery which will take some time, I am 62 years [old] and may depreciation na rin ang katawan natin, but I am able to work from home effectively.”

Samantala, ipinagkibit-balikat lamang niya ang mga tsismis na papalitan na siya sa pwesto at inaming marami ang interesado sa kanyang posisyon.


Aniya, “Alam mo naman society natin, mahilig tayong mag-ano, maraming nangangarap, kasama sa buhay yan eh, hindi naman bawal mangarap.”


Tags: Department of Justice (DOJ) secretary Jesus Crispin Remulla

You May Also Like

Most Read