Latest News

Remulla kay Bantag: “Huwag mo guluhin ang isyu”

Huwag mong guluhin ang isyu.

Ito ang naging reaksiyon ni Justice Secretary Jesus Crispin Remulla, kaugnay sa pahayag ng suspendidong Bureau of Corrections chief Gerald Bantag matapos tukuyin na siya ang mastermind sa pagpaslang sa broadcaster na si Percy Lapid.


Sinabi pa ni Remulla na ang pahayag ni Bantag “comes from a misguided sense of betrayal.”

Nauna rito ay nanawagan si Bantag kay Remulla na magbitiw na ito sa puwesto dahil wala na itong kredibilidad kasunod ng nangyaring pag-aresto sa kanyang anak na si Juanito Remulla III dahil sa iligal na Kush.

Ayon sa DOJ , may magandang relasyon si Remulla at Bantag bago naganap ang kaso ni Lapid kung saan pinag-uusapan nila ang mga reporma sa National Bilibid Prison.


Sinabi pa ng DOJ na walang may gusto na isangkot si Bantag sa kaso.pero base sa lahat ng testimonya at ebidensiya ay siya ang isinasangkot na mastermind sa krimen. (Philip Reyes)


Tags: Justice Secretary Jesus Crispin Remulla

You May Also Like