Pinaiimbestigahan ni Justice Secretary Jesus Crispin Remulla sa National Bureau of Investigation (NBI) ang serye ng bomb threats sa iba’t-ibang national at local government units.
“There should be no place for pranks or spreading fear among our people,” ayon kay Remulla.
Sinabi pa ni Remulla na dapat na magsilbing babala sa mga nasa likod ng ganyang uri ng pananakot na desidido ang gobyerno na habulin sila.
Npag-alaman na ang bomb threat ay ipinadadala sa pamamagitan ng e- mail at nilagdaan ng isang Takahiro Karasawa, isang abogado at eksperto sa paggawa ng bomba.
Sinabi ni Takahiro sa kanyang e-mail na magigimbal ang mga major agency sa bansa dakong alas- 3:34 ng hapon nitong Lunes.
Si Takahiro ay sangkot sa pitong bomb threat na naitala noong Disyembre 5,2023 ,kasama na ang bomb threat sa Metro Rail Transit 3 noong Setyembre, 2023.