Hindi umano nakialam si Justice Secretary Jesus Crispin “Boying” Remulla sa kaso may kaugnayan sa iligal na droga ng kanyang panganay na anak.
Ito ang inihayag ni Jennah Marie Dela Cruz,prosecution attorney ng Las Piñas City Prosecutors Office.
“Hindi po ever nagkaroon ng intervention ang justice secretary sa resolution nitong kaso na ito,” ani dela Cruz.
“Even po yesterday talagang hindi rin po, wala po kaming nare-receive na tawag na kahit kanino. Kung ano man po ‘yung sinabi na statement ni justice secretary totoo naman pong wala pong intervention.”
Tiniyak naman ni Dela Cruz na pinag-aralan mabuti ang kaso at ang resolusyon.
Matatandaan na ang anak ni Remulla na si Juanito Jose Diaz Remulla III, ay inaresto ng mga awtoridad sa posesyon ng P1.3 milyon high grade marijuana,kamakailan.
Sinampahan na rin ng Las Piñas City Prosecutor’s Office noong Biyermes ng kasong paglabag sa Section 11 ng Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.
Walang inirekomendang piyansa ang prosecution kay Juanito at nasa kampo ni Juanito kung maghahain sila ng petition for bail.
Gayundin,sinabi ni Dela Cruz na walang direktang kapangyarihan sa kanila si Remulla kahit sila ay nasa ilalim ng DOJ.
“Directly wala po kasi even though we are under the Department of Justice ang ahensiya po namin ay National Prosecution Service,” ayon pa kay Dela Cruz.
Kaugnay nito, naniniwala rin si Dela Vruz na tatayo sa trial ang kaso dahil kung jindi sila naniniwala aybirerekomwnda nila na madismis angbkaso o ” for further investigation”. (Anthony Quindoy)