INIHAYAG ni Justice Secretary Jesus Crispin Remulla na gumagana ang criminal justice system sa bansa.
Ito ay kasunod ng pagkakahatol sa apat na pulis na sangkot diumano sa pagpatay sa mag-amang Luis at Gabriel Bonifacio sa isang anti-drug operation noong 2016 sa Caloocan City.
“This conviction is a milestone in our criminal justice system, a testament to the government’s unwavering efforts to safeguarding human rights in the pursuit of justice and a clear proof of a functioning justice system,” ayon kay Remulla .
Kasabay niyan ay binigyan ng komendasyon ni Remulla ang DOJpProsecutors na humawak sa kaso.
“This serves as a reminder to abusive police officers that no one is above the law. Justice will eventually catch up with them,” ani Remulla .
Hinatulan ng Caloocan City Regional Trial Court Branch 121 sina Police Master Sgt. Virgilio Servantes at Police Corporals Arnel De Guzman, Johnston Alacre at Argemio Saguros, Jr. matapos mapatunayang guilty sa kasong homicide na isinampa ng pamilya ng mag-amang nasawi.
Pinatawan ng anim hanggang 10 taong pagkabilanggo ng korte ang mga akusado at inatasan rin sila na magbayad ng tig- P400,000 sa pamilya ng biktima.