Latest News

Remulla di pa nasisiyahan sa paliwanag ng government personnel sa selfie issue kay Guo

By: JANTZEN ALVIN

Nagpahayag si Justice Secretary Jesus Crispin Remulla na hindi ito kuntento sa paliwanag ng mga government personnel na nakipag ‘selfie’ at nagpakuha ng litraro kasama ang inarestong si dating Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo nang i-deport ito pabalik ng Pilipinas.

Nang tanungin sa isang ambush interview kung siya ay kuntento na sa paliwanag, sinabi ni Remulla na: “Hindi pa rin eh. Kailangan may apology naman. Malaking apology ang kailangan diyan. Kailangan diyan may reprimand talag.”


Sa nag-viral na “group photo” ay nakita si Guo na nakangiti kasama ang mga ahente ng National Bureau of Investigation (NBI) at Bureau of Immigration (BI), habang naka- escort sila kay Guo sa Indonesian immigration bago ito maiuwi sa bansa.

Kasunod nito ay nag-isyu ng ‘show cause order’ si Remulla laban sa mga kumuha ng litrato at nakipag-selfie kay Guo.

“Hindi pa puwedeng ganyan lang kasi wanted ‘yan eh. ‘Yung mga wanted, hindi mo sine-celebrate diyan. Kapag diyan, ‘pag hinuli mo, hinuli mo. Hindi na tama na ‘yung selfie-selfie na ‘yan. Palitan natin ‘yung kultura na ‘yan. Hindi dapat nangyayari ‘yan,” paliwanag ni Remulla .

Una nang humingi ng paumanhin ang Philippine National Police(PNP), maging si NBI Director Jaime Santiago at si BI- Fugitive Search Unit chief Rendel Ryan Sy sa naglabasang ‘selfie ‘ng ommigration personnel.


Nag-isyu rin si Santiago ng ‘reprimand’ sa mga sangkot na NBI personnel.

Tags: Justice Secretary Jesus Crispin Remulla

You May Also Like

Most Read