Latest News

Remulla, bukas sa pagbaklas ng BI sa DOJ

Bukas si Justice Secretary Jesus Crispin “Boying” Remulla sa pagbaklas ng Bureau of Immigration(BI) mula sa Department of Justice (DOJ).

Ang pahayag ay ginawa ni Remulla nang tanungin sa ginanap na panayam .sa Kapihan sa Manila Bay.

“Tandaan natin sa ibang bansa kasi ang Immigration actually department talaga ‘yan… In fact, in several countries right now… the highest paid government officials are in Immigration. Ngayon, sa Pilipinas, ang baba ng salary grade natin sa BI. That’s why we have to modernize and upgrade para ‘yung international standard maabot natin,” ani Remulla.

Gayunman,sinabi ni Remulla na magiging mahirap na paghiwalayin ang dalawang ahensiya dahil sa malapit na relasyon ng immigration at ng DOJ.

Ayon kay Remulla,ang kasalukuyang immigration law ay hindi na akma sa kasalukuyang panahon dahil ito ay isinulat pa noong 1939 kung saan ang eroplano ay hindi pa gaanong ginagamit bilang transportasyon.

“Hopefully, we can have something done to strengthen the Immigration Department. ‘Yan po ang isa kasi that’s the point of entry of all of these criminals who prey on children kaya kinakailangan talaga kailangan maayos din natin ang immigration law,” ayon pa kay Remulla.

Samantala,inatasan ni Remulla ang BI na tugisin ang mga sangkot sa exploitation ng mga bata.

Nalaman na isasama rin ang Department of Education sa kanilang giyera laban sa online sexual abuse and exploitation of children (OSAEC).

“That’s the advancement taken, we will involve the Vice President, or Secretary of Education, next time. We will ask for her help also and assistance in dealing with this problem,” ani Remulla.

“Sabi nga namin kahapon, kapag hindi nag-cooperate ang ISPs at nakalusot palagi… we will also include them in the people that will be charged for online sexual exploitation,” dagdag pa nito.

Maglulunsad rin ang DOJ ng hotline para sa naturang isyu. (Carl Angelo)

Tags:

You May Also Like

Most Read