Inihayag ni Justice Secretary Crispin Remulla na nasa Pilipinas pa rin umano sina dating BuCor chief Gerald Bantag at dating deputy officer Ricardo Zulueta na kapwa wanted kaugnay sa kasong pagpatay sa mamamahayag na si Percival “Percy Lapid” Mabasa.
Ayon kay Remulla, naniniwala siya na mahahanap na rin ng mga awtoridad ang dalawang dating opisyal ng Bureau of Corrections (BuCor).
Samantala, hindi naman nagbigay ng deadline si Remulla sa National Bureau of Investigation (NBI) sa pag-aresto kina Bantag at Zulueta.
“Alam mo ang tao kapag guilty iiwas ‘yan. Pag walang kasalanan madaling humarap ‘yan eh… Nandito pa, nandito po. Mata-track yan. We have the means. Nandito pa,” ayon kay Remulla.