Latest News

Rekomendasyon sa UNHRC kasama ang magliligal sa diborsyo, abortion at same-sex marriage, ibinasura ng RP

May 97 rekomendasyon na inilatag ng United Nations Human Rights Council (UNHRC) ang kaagad na ibinasura ng mga delegado ng Pilipinas sa ginanap na Philippines’ fourth Universal Periodic Review sa Geneva, Switzerland noong Nobyembre 14.

Ayon kay Justice Secretary Jesus Crispin Remulla, ito ay dahil hindi pa ito tanggap sa Pilipinas na isang Katolikong bansa.

Kabilang dito ang Sexual Orientation, Gender Identity and Expression (SOGIE) Bill at batas na magli-legal sa same-sex marriage, divorce at abortion.

“They want the SOGIE Bill for same-sex marriage to have the same as in their countries. So, that’s not acceptable for us. They really want a lot to be implemented here,” ayon kay Remulla.

Matatandaan na.pinangunahan ni Remulla ang delegasyon ng Pilipinas sa ika-apat na cycle ng UPR ng bansa sa United Nations Human Rights Council (UNHRC) noong nakalipas na linggo.

Ang Philippine delegation ay binubuo ng Department of Justice (DOJ), Presidential Human Rights Committee (PHRC) secretariat, Department of Foreign Affairs (DFA) at Permanent Mission of the Philippines sa UN , Geneva.

Una nang tinalakay sa Pilipinas ang isyu ng diborsiyo pero hinarang ito sa Kongreso ni noon ay Senate President Vicente Sorto III.

Habang sa isyu kaugnay sa death penalty, dapat muna umanong konsultahin ang tatlong sangay ng gobyerno sa nabanggit na isyu.

Samantala, sa 297 rekomendasyong ipinrisinta ng mga miyembro ng estado sa UNHRC ay 200 naman ang tinanggap ng Pilipinas. (Jantzen Tan)

Tags:

You May Also Like

Most Read