UMAABOT na sa mahigit 68.6 milyon ang rehistradong botante sa bansa para sa 2025 National and Local Elections (NLE), gayundin sa Bangsamoro Autonomous Region of Muslim Mindanao (BARMM) parliamentary elections.
Batay sa datos na inilabas ng Commission on Elections (Comelec) nitong Linggo, napag-alaman na hanggang nitong Oktubre 31, 2024 ay mayroon nang kabuuang 68,618,667 rehistradong botante ang Pilipinas.
Sa naturang bilang, 33,690,884 ang mga lalaking botante habang 34,927,783 naman ang mga babaeng botante.
Ayon sa Comelec, pinakamaraming registered voters sa Region 4A (Calabarzon) na nasa 9,764,170.
Kasunod naman ang Region 3 (Central Luzon) na may 7,712,535 voters; National Capital Region na may 7,562,858; Region 7 (Central Visayas) na may 4,407,337; at Region 5 (Bicol Region) na may 4,066,662.
Sumunod ang Region 1 (Ilocos Region) na may 3,651,539; Region 11 (Davao Region) na may 3,386,929; Region 8 (Eastern Visayas) na may 3,264,935; Region 10 (Northern Mindanao) na may 3,197,586; Region 6 (Western Visayas) na may 3,145,219; at Negros Island Region (NIR) na may 3,069,836.
Sinundan ito ng Region 9 (Zamboanga Peninsula) na may 2,881,715; Region 12 (SOCCSKSARGEN) na may 2,709,058; BARMM with SGA na may 2,368,404; Region 2 (Cagayan Valley) na may 2,364,249; Region 4B (Calabarzon) na may 2,064,160; Region 13 (CARAGA) na may 1,889,616; at Cordillera Administrative Region (CAR) na may 1,111,859.
Samantala, iniulat rin naman ng Comelec na hanggang Setyembre 30, 2024, mayroong 532,837 applicant hits na natukoy sa pamamagitan ng Automated Fingerprint Identification System (AFIS) .
Sinabi ni Comelec Chairman George Erwin Garcia na ang mga naturang kaso ay isasailalim sa ‘removal of double or multiple registrants per AFIS.’