TIMBOG sa drug buy-bust operation ng mga kapulisan ng Labo MPS at Camarines Norte Provincial Intelligence Unit ang isang regional recalibrated data base on illegal drugs high value individual sa P-3, Brgy. Gumamela, Labo, Camarines Norte.
Ayon sa report mula sa Camarines Norte Police Provincial Office ang tulak ng droga ay nakilala bilang si Ma. Laura Salvador y Valeros 46 anyos, residente ng Purok -4, Brgy.1, Daet, Camarines Norte.
Nakumpiska ng mga operatiba mula sa kanya ang 11.4 gramo ng pinaghihinalaang “shabu” na may kabuoang halaga na Php77,500.00.
Ang nabanggit na indibidwal ay nasa kustodiya ng Labo MPS at siya ay nahaharap sa kasong paglabag sa Section 5 at 11 ng Article II ng RA 9165.
“Ang laban sa droga ay laban ng komunidad at ang PNP Bicol ay kaisa ng bawat Bicolano upang tuldukan at tapusin na ang suliraning ito na isang patunay sa hadlang sa pagkamit ng isang maunlad at mapayapang lipunan”, ayon kay PBGen, Jonnel Estomo RD, PRO5. (VICTOR BALDEMOR)














