INILANTAD ng Philippine Army – 3rd Infantry (Spearhead) Division ang kakikilanlan ng mga tinaguriang Region 6 most wanted leaders ng Communist Terrorist Groups (CTGs) na pawang may mga nakapatong na reward sa kanilang ikadarakip, patay man o buhay.
Kabilang sa mga nagungunang wanted NPA leaders sa Visayan areas sina Ma. Concepcion Bocala, alias Concha, 1st Deputy Secretary ng Komiteng Rehiyon-Panay; Roberto Cabales, alias Ted/Lloyd/William, Secretary, Central Front, KR-Panay; Roberto Gomia, alias Toto/Miller, 1st Deputy Secretary, Southern Front, KR-Panay; at Arlo Vargas, alias Allen, Squad Leader, Squad 1, Regional Striking Force, KR-Negros, Cebu, Bohol, Siquijor.
Si Bocala,dahil sa pagiging highest-ranking wanted personality sa hanay ng mga kalaban ng estado na pinaghahanap sa rehiyon, ay may reward na P5,300,000.00.
Samantala, sina Cabales na may arrest warrant para sa kasong robbery-in-band with frustrated murder at damage to property, ay may P3,100,000 reward, habang si Gomia na may destructive arson case ay may bounty ng P1,050,000. Si Vargas na wanted for robbery in band ay may nakalaang P550,000 pabuya.
Nanawagan ngayon ang pamunuan ng Army 3rd Infantry Division sa publiko na magsumbong o tumulong para sa ikadarakip ng mga nabanggit na ‘regional most wanted’ sa pamamagitan ng pagbibigay ng impormasyon tungo sa ikadarakip ng mga ito sa pinakamalapit na PNP/Military Stations or contact Division Public Affairs (DPAO) at 3ID Hotline – 0927623 9321 o mag-message sa Division Facebook Page .
“Your cooperation is vital to our anti-insurgency effort, especially in locating and neutralizing these wanted NPA leaders, who orchestrated various terroristic activities in Region 6, as indicated by their crimes. Let us work together to end the menace these personalities pose,” panawagan pa ni Army MGen Marion R Sison, Commander.














