Latest News

Refund ng Maynila at Manila Water ng income taxes iginiit sa SC

By: Philip Reyes

Hiniling ng Bayan Muna Partylist group sa Korte Suprema na atasan ang Maynilad at Manila Water na ibalik sa kanilang mga consumers ang ipinasa nilang corporate income taxes sa mga ito.

Baztay sa inihaing motion for partial reconsideration ni dating Bayan Muna representatives Neri Colmenares at Carlos Isagani Zarate , iginiit nila sa SC na utusan ang MWSS na kiwentahin ang lahat ng corporate income taxes ng Maynilad at Manila Water na pinayagan na.makasama sa ‘ fixing applicable water rates ” mula 2002 hanggang 2012 at atasan ang dalawang water concessionaire na ibalik ito sa kanilang mga water consumers.


Una nang sinabi ng SC sa kanilang ruling na ang Maynilad and Manila Water ay public utilities kaya hindi nito maaring ipasa sa mga consumers ang kanilang corporate income taxes.

Gayunman, sa kaparehas na ruling ay sinabi ng SC na ang nabanggit na halaga ay hindi na mare-recover pa dahil nag- lapse na ang period para sa hinihinging refund.

Sinabi ng SC na ang reklamo para kuwestiyunin ang water rates ay dapat na inihain sa loob ng 30 araw mula sa paging epektibo ng rates sa National Water Resources Board (NWRB).


Gayunman,ipinunto ng Bayan Muna na ang naturang rule ay ibinaba ng SC noong December 7,2021 kung saan nitong Mayo 17,2023 lamang natanggap ng mga petitioner.

“Hindi kami pwedeng magfile sa NWRB noon kasi hindi pa deklaradong public utility ang Manila Water at Maynilad. At that time…iniinsist ng Maynilad at Manila Water, na hindi sila public utility. Sila daw ay agent lang ng MWSS,”ani Colmenares sa kanyang pahayag matapos na isampa Ang mosyon nitong Huwebes .


“Petitioners argue that in the interest of fair play, equity and justice, this Honorable Court needs to relax the rules in order for the water consumers to recover the overpayments made, in accordance with this Court’s Decision declaring that Maynilad and Manila Water incorrectly passed on to the water consumers the income tax of Maynilad and Manila Water,” nakasaad pa sa mosyon.

Hindi pa malinaw kung magkano ang kabuuang refund na hinihiling ng Bayan Muna dahil hindi naman kasama sa Maynilad at Manila Water ” published rates” ang breakdown kung magkano ang kabayarang napunta sa ‘corporate income taxes.’;


“Sinasabi naman sa published rates magkano per cubic meter ang singil. Hindi naman sinasabi doon na 10, 30% nito ay galing sa corporate income tax, 20% ay galing sa advertisement,” paliwanag ni Colmenares.

Tags: Manila Water, Maynilad

You May Also Like