Latest News

Red-tagging sa TFDP, inalmahan ng pari

HINDI nagustuhan ni Task Force Detainees of the Philippines (TFDP) Chairperson Rev. Fr. Christian Buenafe, O.Carm, ang ginawang red tagging sa isang kolumnista sa TFDP mula noong panahon ng Martial Law.

Hindi umano katanggap-tanggap ang naturang red-tagging laban sa grupo na naglalantad sa kapahamakan sa buhay ng mga kawani at iba pang mga katuwang na Human Rights Defenders (HRDs) ng TFDP.

Ginawa ng Pari,ang pahayag kasunod ng inilathala ng kolumnistang si Rigoberto Tiglao sa “The Manila Times” noong Marso 7, 2022 na may titulong “Fake news on detentions, tortures, and killings under Marcos,” kung saan tinagurian ang TFDF na ‘communist front’ na may tungkuling palakihin ang bilang ng mga bilanggong pulitikal noong panahon ng Batas Militar.


“Communist-controlled TFD?!?! Red tagging is real and it endangers the lives of our staff and fellow HRDs (Human Rights Defenders).” ayon kay Fr. Buenafe.

Tiniyak ng Pari ang patuloy na pagsusulong sa karapatang pantao ng mga Pilipino ng (TFDP) makalipas ang mahigit sa apat na dekada mula ng maitatag ito ng Association of Major Religious Superiors in the Philippines (AMRSP) noong 1974 sa kasagsagan ng Batas Militar.

Nalaman na maliban sa legal na tulong ay nagkakaloob rin ang TFDP ng moral at pang-espiritwal na paggabay sa mga political prisoners at kanilang pamilya at aktibo pa rin sa pagsusulong sa karapatang pantao ng mga manggagawa, mag-aaral, maralita at mga mamamayang naaabuso sa lipunan partikular na sa inilunsad na War on Drugs ng administrasyong Duterte.


Tags:

You May Also Like

Most Read